The Author.

I was born to tell stories.
My name is Kath, an average teenage girl who loves writing random farts that poops out from her brain. I do speak english, tagalog and bicol. If you want to know me better.. then you can +follow me here.or ask questions here

Enjoy the stories!

it's all about you and me together.. back then.
Saturday, December 11, 2010

"Teka nga!  Ano bang ginagawa mo?!" dire-diretso lang yung mokong sa paghila sa akin ah. parang wala man lang naririnig.

"STOP!" sumigaw na talaga ko nun. ano bang problema niya? Kainis. Nang humarap siya sa akin, teka-- siya nanaman? yung walang modong tinalikuran ako kanina? Lechugs naman oh.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun sa hall way.

"I said get off. " tumingin ako sa braso kung saan mahigpit pa rin pagkakahawak niya. Wala nanaman siyang narinig? Tumingin lang sa akin. at hinihila nanaman ako.

"Eh gago ka pala eh! sisigaw na talaga ko nang rape dito sige ka!" Binantaan ko na talaga siya. Tumingin siya sa aking ng parang nabigla. parang sinasabi niya eh.. huh? naisip ko lang, ang awkward din nung rape thing ah.

"I mean... Kidnapping!" sabay bawi ko sakanya.

"Look miss, akala ko ba matapang ka.. bat hinahayaan mong laitin ka nung si Meg?!" sa wakas, nagsalita rin yung mokong. Grabe, ang gwapo ng boses niya. meroon bang ganun? I mean, boses pa lang.. lalaking lalaki na talaga. Ano ka ba gel!

"Eh, pwede naman talagang mag comment di ba? she's free. sabi yun ni maam. isa pa.. ano bang pake mo?!" taas noo ko siyang tinarayan. Binitawan niya na ko. Salamat naman!

Nakakabinging silence ang tinugon niya sa akin. Ewan ba kung anong nasaisip niya. Nakatingin lang siya sa sapatos niyang lina laro laro ng mga paa niya. Pa sway sway? Iniwasan niya yung tanong ko. Napagisip ko lang. ang rude din pala nung tanong ko sakanya no?

"Uhmm.. di pa ba tayo papasok?" change topic. Ang awkward talaga ng scene eh!

"Sa tingin mo di tayo pagtatawanan pag bumalik tayo dun?" now, pinansin niya na ko! sa wakas.

"Eh kasi ikaw eh! kasalanan mo tong lahat! Uggghhh!" sinisi ko ba naman. Tumingin siya sa aking na parang di makapaniwala.

"Wow, imbes talagang magpasalamat ka eh sinisi mo ko no? You're welcome." Nakangiti na siya sa akin. Medyo sarcastic nga rin lang.

"Eh saan na tayo ngayon?" alangan naman kasing doon lang kami sa gitna ng hallway mag usap. Buong hapon! More or less 3 hours. Kung ako din lang naman kasi tatanungin, di na ko babalik sa classroom na yun.

"Kasi ikaw eh, isasama sana kita dun sa hide out ko kaya lang nag simula ka na lang magwala diyan. Wag na lang." Nagpapapilit ba to? Huh. Ano naman ngayon kung di niya ko isama sa hideout niyang yun! Kapal din eh.

"Di wag. " aalis na sana ko nun. nang bgla niyang hinawakan kamay ko. Iba na to sa kanina, medyo gentle at maingat ang pagkakahawak niya.

"Teka nga- akala ko ba wag na lang ah?" 

"Arte mo. Bilis na. Ang boring dito sa campus, isa pa.. pag nakita ka ng principal patay ka" di ko alam expression niya nun. nakatalikod kasi siya.

Ang layo naman pala ng hideout niya. Ilang hagdan pa bang aakyatin namin? Wala ba tong hangganan? Hingal na hingal na ko nun. pero siya, parang wala lang. Sanay na ata siya. di ko nga rin alam kung bakit ko naisipang sumama sa mokong na to. Oo na, No choice nga pala ko.

"Pasok na.." binuksan niya yung pinto doon.

Labels:

5:16 AM

Let me here it.

Hate messages are aloud but ignored.

Stories

Featured Story: "The Promise" Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

« Previous Entires   Newer Entries »

Layout by 16thday
Resources One Two Three