|
The Author. |
|
Sunday, December 12, 2010
"The Promise" ; Chapter 7 Wow. grabe... ang ganda dito. ang daming bulaklak! parang yung mga nakikita ko sa tv. Akala ko nung una, artificial lang. pero nung hinawakan ko.. naputol bigla. Lagot. "Wag mong hawakan yan.. baka masira" sabi ba naman sa akin? ang suplado talaga! "Eh bat mo pa ko dinala dito kung ayaw mo man lang ipa appreciate sa iba tong mga flowers!" nakangiti na lang ako sa mga napakabangog flowers sa harap ko. Ang sarap ng hangin sa roof top. Pwede na kong tumira dun. "Hmmm. di ba sabi mo hide out to? bat mo ko dinala dito?" Wala lang. curios lang ako. "Alangan naman pabayaan kita." nakatitig siya sa mata ko. "Weh?" "Isa pa... ako naman humila sayo palabas di ba?" tinaas niya yung right part ng lip niya.Waring nangiinsulto. Tumalikod na lang ako. gusto ko sana siyang awayin, na kung hide out niya sana yun eh di niya na lang ako dinala. tutal, wala na naman akong balak pumuta doon. Pero dahil sa inamin niya nga na siya naman talaga ang humila sa akin. Ayos na ko dun. "Kailan ka pa nagtatago dito?" Curios nanaman ako eh no. Umupo siya dun sa may parang bench na may.. christmas lights? Cool. "Wala kang balak umupo?" "Hmm.. bat mo nga pala ko ilinabas dun? alam mo.. ayos lang talaga ko dun! swear! kahit lait laitin ako nung meg na yun! May araw din kasi siya sa akin!" Ngumisi siya. "I guess it should be the right?" Napahiya naman ako. Ano kayang klaseng tao siya? Mind reader kaya to? "Saan ka pala nakatira?" Change topic. Nginitian nanaman niya ko. Ewan ko ba. Magkamag anak kaya sila ni jez? "Drench Village. Block 5" "Talaga?" Pang di ako makapaniwala. "No." sumeryoso yung lagay ng mukha niya. di ko mabasa kung nagsisinungaling ba siya o hindi. "K." inirapan ko siya. Kainis naman kasi. "Oo nga! nagtanong kasi tapos di naman maniniwala. Puf." "Ewan ko sayo!" Pa joke ko tong tinarayan. "Ikaw ba?" "Drench Village Block 6.. " Pinahalata ko talaga sa kanya na buysit ako. Gusto ko siyang inisin eh. Buwahaa! "Do you mean magkalapit lang tayo? That doesn't sound right at all!" Iniinis din ba niya ko? "Hoy mokong! tumigil ka nga sa kaka english mo. feeling mo naman kasi na gusto kong magkalapit lang tayo ng block?" Epal naman kasi. Ano bang malay ko na mag kaparehas kami ng village? Buysit. "Hoy babae! may sinasabi ako?" Dinilaan ba naman ako! Parang bata. Tumingin na lang ako sa baba. Wala nang point para makipa away pa sa kanya. Hm. Maganda nga pala talaga yung piniling shoes sa akin ni mama. May ribbon nga lang na malaki kaya masyadong girly pero.. cute siya. Nang biglang may humawak sa bangs ko.. Si-- teka? ano nga bang pangalan niya? Wow. ilang oras na kami magkausap hanggang ngayon di ko pa rin alam name niya. Tumingin siya sa akin. parang may gustong itanong yung mga mata niya. Nang binigyan ko siya ng "curios" looks ko. Binitawan niya rin yung buhok ko. Bumagsak bigla. Tinaas ko na yung mukha ko at humarap sa kanya "Hmm. ano name mo?" Ang awkward nga eh. "Drei." halatang balisa pa din. "nice to meet you angelo" ngumiti naman siya na parang nakaka insulto. "Nice to meet you anDREIya." Tiningnan ko siya taas noo. "Bret Andrei Montejos" tumigin nanaman sa akin na nakakainsulto. "Whatever Kulot!" Tiningnan niya ko ng masama. sabay tawa. "ano naman kung kulot? gwapo naman!" di naman siya masyadong feeler no? Pero, oo.. gawapo nga talaga siya. ata. "Pero mas bagay sayo kung straight ka. Wala lang. feeling ko lang.." tingingnan niya nanaman ako. nakataas yung right part ng lip niya Naaliw ako sa mga flowers na nandun. Nakaka amaze lang na isang guy ang nag aalaga sa mga to. Minsan nga feeling ko bakla siya eh. sayang naman. Di ko na namalayan, TAE! 5:30 na?! bat ngayon ko lang napansin? "UY! 5:30 na oh! uwi na tayo" "Bat ngayon mo lang sinabi? Baka lock na yung gate sa baba nito" Sinisi ba naman ako? "Eh di ba may relo ka naman?" Sabay tingin ko sa may braso niya. Teka.. akala ko relo. bracelet pala! Tanga! Mabuti naman at nakalabas kami sa building na yun. Nakakatakot! halos wala na atang nandun eh. Mabuti na lang di pa na lo-lock yun. "Uhmm, thanks ah! don't worry. that hideout... wala akong pagsasabihan" I assured him. "Siguraduhin mo lang gelo" hawak hawak niya na yung back pack niya. ngumingisi ngisi nanaman. "Kapal! oo nga sabi eh. ang please. it's Gel" "Paano, hatid na kita.." "Eh di ba block five ka lang? wag na. baka gabihin ka pa" "Eh paano kung may mang rape diyan sa'yo bigla? ang alam ng teacher natin ako yung huli mong kasama. di ako pa yung napagkamalan?!" Okay, sabi ko nga di ba? Dire diretso na lang kami. di ko na namalayan, nasa harap na pala kami ng bahay namin. Naninibago pa din ako. Di kasi to yung dating inuuwian ko tuwing hapon kasama sila Cass at yung iba ko pang best friends. Ugh. namimiss ko nanaman sila oh. "Salamat ah" ngumiti na lang ako. "Sa susunod.. huwag mong hayaang lait laitin ka ng ganun." tumingin siya sa akin. seryoso siya. sabay lumakad paalis. "Drei!" sinigawan ko. lumingon siya. "Ah.. uh.. Thanks ulit!" ngnitian ko siya.. "... sa paghatid" ngumiti naman siya. at lumakad na. Thanks dahil feeling ko.. di ako nag iisa kanina. Labels: ThePromise 2:55 AM
|
Let me here it. Stories Featured Story: "The Promise" Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 |