The Author.

I was born to tell stories.
My name is Kath, an average teenage girl who loves writing random farts that poops out from her brain. I do speak english, tagalog and bicol. If you want to know me better.. then you can +follow me here.or ask questions here

Enjoy the stories!

it's all about you and me together.. back then.
Friday, December 10, 2010

Nabigla lahat nang nadoon. Gulong gulo na yung buhok ko. Buysit pa rin ako eh. di ko naman talaga gustong manabunot pero nauna siya eh.

"WHAT IS HAPPENING HERE HUH?" Sabi nung babae na medyo na sa edad singkwenta na. nakukunot pa rin ang nuo niya. tumingin siya dun sa meg at sunod saakin.

"This is because of that girl!" aba, nakalimutan niya ata yung bitch word.

"Hmm. aren't you that transferee? Ms. Gonzales?" Nakatingin na siya saakin. Galit.

"Yes. Maam.. pero, siya ho ang nauna." Sabay turo ko sakanya. Kailangan ko sakanyang iexplain kung anong ginawa niya kay jez. Teka-- asan na nga ba si jez?

"You two, come with me.." As i expected, dadalhin niya kami sa prefect. at kung mapagdesisyunan na eh ma kikicked out sa school. Sa First day. Wow. sana nga mangyari yun at nang makabalik na ko sa dati kong school no!

***

Nasa loob na kami ng air conditioned na room. Nanggagalaiti pa rin saakin itong brat na to. eh kung titiisin siya ang may kasalalanan nun! pero kung sakaling ma kicked out nga ako eh.. Pasasalamatan ko talaga siya.

"So, what exactly happened here huh?" Nakaupo na siya noon.

Walang umimik sa amin.

"I am asking both of you" Nagtaas na siya ng boses.

"Ka-si.." Nagkatinginan kami. tinarayan niya ko. syempre, tinarayan ko rin siya.

"You first Miss Avallo" 

"Well, maam, me and my friend was just planning to eat our lunch sana.. then suddenly, that girl bumped in front of me and she did this.." sabay turo sa uniform niya na may stain pa ng baked mac kahit ilang ulit niya ng pinunasan.

"Sinungaling." Magkasalubong ang kilay kong nakatingin sa kanya.

"Well maam, siya po yung nauna.. kasama ko po kasi nun si jez sa canteen. naguusap lang kami nang biglang binuhusan niya ng powder yung buhok ni jez at linait lait... dahil sa di ko na nga ho mapigilan.. kunuha ko yung baked mac at binuhos ko sa kanya.." Mahaba ko pang pag iexplain.

"is that true Ms. Avallo?" nakataas yung kabila niyang kilay na nakatingin dun sa bruha.

"but maam, i told you! siya po yung nauna! swear." Oh no you didn't!

"Liar!" sinigawan ko siya. "... kahit tanungin mo pa yung mga tao dun sa canteen maam eh" nakatingin na ko dun sa matanda.

"Ms. Avallo... i want the truth" Nakatingin nanaman siya dun sa meg. "... remember what had happened last year.." at tumulis ulit yung paningin niya kay meg. parang kakainin siya ng buhay.

Tila lumaki ang mga mata niya at tumingin sa baba. "Sorry maam.." yun lang ang nasabi niya. Yun lang? ibig sabihin inaamin niya na lahat ng ginawa niya? Unbelievable.

"You stay here Ms Avallo.. and you.. Ms. Gonzales.. since, pumatol ka.. you'll have 1 week detention, you are assigned to clean at the pool area for one week after dismissal" May kinukuha siyang kung ano sa drawer niya.

Lumabas na ako doon sa room na yun, binigyan muna ko nung bruha ng nanggagalaiti looks. Wala akong pake. ang iniisip ko lang ngayon eh nawala na yung chance kong ma kicked out! Kainis! detention? --wait. tama bang narinig ko? SA POOL??!

***

Nakatingin halos lahat ng tao dun saakin habang papalabas na ako ng school. 30 minutes na lang before time. kailangan ko pang umuwi sa bahay. walking distance lang naman yun eh. Kaya lang, paano ako uuwi sa lagay na to? Ang dumi dumi ko.

"Gel" si jez.

"Jez! saan ka ba pumuta kanina?" "sorry gel ah. nahiya kasi ko sa'yo. nadamay ka tuloy dun sa away. Sorry talaga"

Tumango na lang ako sakanya "Oh paano, alis na muna ko"

"Happy Lunch!" nakangiti ulit siya sa akin.. "..and sorry ah gel. sorry talaga"

Nginitian ko na lang siya. and i guess, we're okay kasi isa pa, wala naman talagang kasalanan si jez. siya pa nga yung na bully di ba?

***
Hapon na noon, papasok na ko noon sa room nang makita ko ang grupo nung Meg. Nanliisik yung mga mata sa akin. Oh wait, don't tell me class mate ko tong mga freak na to! NO WAY!

"Hello there Gel" Sabi sa akin nung isa na katabi ni meg. Sarcastic yung smile niya at biglang nagbago. Parang kakainin na talaga ako ng buhay.

Iniwasan ko sila. Umupo ako sa ibang upuan. Doon sa kung saan malayo sa kabihasnan! Malayo sa mga War freak na yun. Oo, magaganda nga pero ni anino ng looks nila eh di man lang nahawaan yung attitude! Naaalala ko tuloy si jez.. "..she's beautiful but her attitude stinks! .." Tama nga talaga siya.

Naaninag naman ng mata ko yung guy na nanggulat sa akin kanina. Nakatingin siya sa akin na parang binabasa ang nasa loob ng utak ko. At nang mamalayan niyang naka tingin din ako sa kanya, Iniwasan niya yun. Di ko na lang pinansin. Nakita ko din doon si Marco. hawak hawak ang PSP

"Okay class, good afternoon" Tumingin siya sa akin. Waring alam niya yung nangyari kaninang lunch.

"Okay, so i have said earlier...-- Mr. Rosales? Would you mind to keep that or else, you're gonna see that thing flying outside."

"OOOOOOHHH!" sabi ng mga barkada niya. Napailing siya sa likod niya na buysit sa kanila. yung expression bang pag di kayo tumigil, kayo ang lilipad papalabas..





Nahagip naman ng paningin niya yung lugar kung asan sila meg. Na wala pa ring tigil sa kaka re-touch. Parang may hinahanap na yata itong si Marco.. nang biglang nahuli niya kong nakatingin sa kanya.. at nginitian ako. nginitian ko rin. sabay tago na nung PSP niya.


"This afternoon, we'll have our ice breaker"

"Maam, wala ho tayong ice.." sabi naman nung Patrick ba yun? tawanan naman lahat ng class mates namin.

Nagbigay nga ng masamang tingin yung teacher namin. Nagsitigil naman lahat.

"Okay, here's the mechanics. You are going to pick a paper.." nagpakita siya ng example. "and each paper has a question on it... and obviously, you are going to answer it. in  front of the class.. but, to have some mix. your classmates are free to give there comments or ask you another question that is relevant to what you had pick." Mahabang pag eexplain ni Maam.

Marami na yung nauna. may madrama at medyo personal na question doon.. may nakakatawa. katulad  nung nakuha naman ni patrick. meant to be ata sa kanya.

"Ms. Gonzales, it's your turn" nang tumayo na ko. Nagsitinginan sila, ngumiti nanaman sa akin si marco. at tinarayan nanaman ko ni meg. Panira talaga tong bruhang to!

Kukumuha na ako. "Read your question Ms. Gonzales" sabi sa akin ni maam. kanino pa nga ba.


WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?

Seryoso? "hmm.. my biggest fear is... cockroaches" nakakahiya. sa laki ko kasing to, takot pa ko sa napakaliit na insektong yun.

"But, you like one of them. how could you fear your relatives gel?" Natatawang tanong sa akin ni bruha. Tinaasan ko ng kilay. ayaw ko munang makipag away. Lalo na kung di rin lang naman ako siguradong ma ki-kicked out!

"and... isa pa, look at yourself gel.. you don't deserve this school! Now go back to your old school where you belong! where all those jerks go! Nakakadiri kayong lahat! di ka bagay dito! Mas bagay ka sa public school!"


Namumula na ko nun. Halos nagbabadya nang tumulo yung mga luha ko... di niya pwedeng maliitin ang dati kong school. oo nga, public lang yun pero kumpara sa school na to.. higit na mas gusto ko pa doon! public man yun eh lahat naman may modong nag aaral! Kaya wala siyang karapatang lait laitin sila! Tumutulo na nga ang luha ko. gusto kong pigilin ang sarili ko. gusto ko siyang suntukin sa mga oras na yun..


"Stop it Ms. Avallo!" galit na sabi sa kanya nung adviser namin.


Nang biglang may kumuha na lang ng braso ko at hinila ako papalabas...

Labels:

10:54 PM

Let me here it.

Hate messages are aloud but ignored.

Stories

Featured Story: "The Promise" Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

« Previous Entires   Newer Entries »

Layout by 16thday
Resources One Two Three