The Author.

I was born to tell stories.
My name is Kath, an average teenage girl who loves writing random farts that poops out from her brain. I do speak english, tagalog and bicol. If you want to know me better.. then you can +follow me here.or ask questions here

Enjoy the stories!

it's all about you and me together.. back then.
Friday, December 10, 2010

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pati ako naiintriga na rin eh.

"Oh my. Ikaw nga ata to.." sambit niya na naka normal na din ang ekpresyon at nakangiti na lang.
"Bakit? anong - " Kailangan ko pa din itanong kaya lang-

Hinawakan niya ko sa kamay at hinila papunta sa kung saan na di ko alam. Ang alam ko na lang, nang medyo malayo layo na rin kami sa may bulletin na yun eh, dumami ang mga tao na nakakasalubong namin, nitong si--

"ah-uh.. teka ... miss" di ko naman alam name niya eh. "...saan tayo pupunta?"

"jezie. call me jez if you like" sandali lang siyang tumingin sa akin at dire diretso ulit kami.

"Okay then Jez, saan mo ba ako dadalhin?" hingal na rin ako dun. medyo malayo na yung napuntahan namin.

"Nandito na tayo.." sabi niya naman sa akin na naka smile. Mannerism niya na kaya ang mag smile?

Okay, nandito kami sa canteen at medyo marami ng estudyante ang nandun. grabe! ang ingay. sabagay, first day nga naman.

"So, nakikita mo ba sila?" sabay turo sa isang grupo na pasimuno sa ingay. May nagtatawanan, may nag gigitara, may hawak hawak na bola, may kumakain, may nag chechess. Ang gulo.

"Uh.. yeah?" I mean, oh tapos? nakakita na din ako ng ganyan sa block namin eh. grabe, naalala ko tuloy sila kuya migs at kuya miko pag sabado ng gabi! grabe ang foodtrip namin nun. Haaayyy

"Well, kanina kasi.. narinig ko si --" sabay turo sa isang guy na nakatalikod. parang may hinahanap sa bag niya. Familiar eh. Nang humarap na to, hawak hawak niya na yung DSLR.

"Si.. Marco?" sabat ko naman sa kanya. sabi ko nga di ba?

"oo, si marco.." sabay snap ng fingers niya. nakakatuwa siya eh, parang di maubusan ng energy. ".. oh di yun nga, narinig ko sila na nag uusap usap kanina tas may nabanggit silang Angelo.. akala ko bago nilang ka group. kaya yun, nag search ako agad sa kung nga yung angelo.. tapos, sabi dun F.malay ko ba naman na babae ang angelo. kaya medyo nagtaka ako kasi nga, new member nila ay isang babae?"

"Wait, what group ba sila?"

"Sila lang naman ang sikat na D'DAMS " D--d-- DAMS? ano daw?

"well, hmm.. kilala mo ba sila? ikaw nga ba ang new member nila?" tanong niya sa akin na parang excited sa kung OO na lalabas sa bibig ko. Nakangiti nanaman siya.

Umiling ako, "Ni hindi ko nga sila kilala eh." ayaw ko man siyang ma disappoint, wala talaga kong alam sa kung sino mang poncio pilato yang mga yan.

"Ahh. Ok." sabay tingin uli sa grupo na yun. ".. anyways, anong room mo?"

"Room 422 ako" sinuklian ko naman yung ngiti niya. "ikaw ba?"

"Wow. magkalapit lang pala tayo ng sec-" nang biglang may lumapit saaming grupo, iba ang direksyon ng mga mata nila kung saan man papunta pero talagang sinadya nung isang babae na itulak si jez gamit ang balikat niya. Nakita ko.

"aww!" "Oh hi witch, nandyan ka pala! Sorry ah? di kasi kita nakita. Mahirap kasing makakita ng babaeng alam mo na.. " sabay tawa na nakakainsulto.

"Uhm, dem? andiyan pa ba yung powder mo? give it to me please?" nakatingin pa rin siya kay jez. Nabigla ako ng bigla niyang buksan yung powder at ibuhos ito sa buhok ni jez. Si jez na nakatingin lang sa baba. di makapag salita. halos, ramdam ko na yung luha na papalapit ng bumuhos.

"Oh! i'm sorry jez! HAHAHAHAHAHA" nakakabingi niyang tawa. Kaya halos lahat tuloy ng tao dun sa canteen eh nakakita ng kung anong ginawa ng mga bruha! pero, wala man lang sa mukha nila ang pag ka amazed. malayo sa expression ko, siguro'y sanay na sila sa kung anong ginagawa nitong babae na to.

"C'mon meg, may paparating na atang teacher" kalabit sa kanya nung isang girl.

Teka, siya yung Meg na sinasabi ni jez hindi ba?

"Bye jez. take care!" sabay tap sa balikat ni jez. Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko habang nakikita ko si jez na wala man lang magawa.

Papalayo na ang mga bruha. Kinuha ko yung baked mac na nakalapag sa mesa, mukhang left over na rin at ibinato ko sa may buhok niya, di naman ata masakit yun kasi palstic naman ang lalagyanan.

"What the-?" napasigaw na napalingon ulit itong meg. Sa pagkakataong iyon, nasa likod ko na si jez at ngayon, kaharap ko na ang gang. Feeling ko lahat ng tao dun ay nakatingin na sa amin.

"and who the hell are you????!!" sumisigaw na siya sa tonong yun. aba, englishan palang labanan dito ah!

"Oh, i am gel. a friend of jez." taas noo kong sinagot siya.

"Oh, so you're a friend of that jerk!" nangingisi ngisi pa siya habang nangdidiri sa baked mac na nasa uniform niya. "...no doubt! you're just like her! You bitch!"

Bitch?! tinawag niya kong bitch?! Kahit sa talang buhay ko, di pa ko natatawag na bitch! ngayon lang! "Excuse me, but what do you think of yourself huh?! It won't make you any less one of us.. those.. jerks. you're saying. You're more than that.. the princess in her black shoes. Try to look at the mirror." Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko nun eh. gera kung gera!

"Talagang-" bigla niya kong sinabunutan. At di ko na namalayan, nahugot ko na rin buhok niya.. marami ng tao ang naghihiyawan..

"STOOOOOOOOOOOOP!!!!!!"

Labels:

7:01 AM

Let me here it.

Hate messages are aloud but ignored.

Stories

Featured Story: "The Promise" Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

« Previous Entires   Newer Entries »

Layout by 16thday
Resources One Two Three