|
The Author. |
|
Friday, December 10, 2010
"The Promise" ; Chapter 3 "Any problem Ms. Gonzales?" gusto ko na sanang mag panic doon kaya lang nakakahiya. kaya mas minabuti ko na lang na tumahimik. "Uh.. uhm.. nothing maam." "excited lang ata si Ms. Beautiful maam" sabay kindat nung lalaki sa may kabila kong seat. Ewe. MISS BEAUTIFUL? Adik ba to? Inirapan ko tuloy. "Gel" sabay balik ko ng tingin sa teacher naming sige pa rin ang salita.. "Nice to meet you Gel". pahabol niya pa. Nginitian ko na lang, isa pa baka mahuli kami ni maam-- ano nga ba yun? ah basta. na naguusap. nakakahiya. first day pa naman. "Okay class, i guess it's time. i'll just reamind you to be ready for our ice breaker later afternoon" Sabay hugot ulit ng eye glass niya pababa. makailang beses niya na rin yung ginawa. at talagang binibilang ko eh no! Nagbalik sa isip ko yung katagang SWIMMING, shit. *** Di ko na namalayan, wala na pala yung katabi ko.. konti na lang yung andoon halos nandun na nga sila sa may pintuan. ako na lang ata nakaupo. "Shit." ang sarap lang talagang mag mura eh no. "Swimming is fun" - Woah? akala ko ako na lang tao dun ah? sabay, napatingin ako sa paligid. Wala naman. teka, tumingin pa ako sa may taas. sa taas? sabi naman ng instinct ko. natawa ako sa loob loob ko. "Sa likod mo." na feel ko yung hininga niya na malapit sa tenga ko. "Oh gosh!" napabulalas ako. at humarap sa kung sino mang linalang na yun sa likod ko. Mumu? Tiningnan ko ssiya mula ulo hanggang paa. Ok, may looks nga siya. Pero mas bagay sa kanya kung straight ang buhok niya. Well, just saying. "Ayos ka lang?" sabay posisyon ng kamay niya na parang sumusurrender. 'AYOS?! eh halos atakihin na ko sayo eh!" sinigawan ko ba naman. sorry siya. kasalanan niya eh. "di ko sinasadya kung nagulat ka ok? isa pa.. malabo ba mata mo? nandyan lang kaya ako oh" sabay turo sa kung daw siya nandun. "Abay malay ko ba?!" sabay humarap din ako at tinuro ko sa kung saan din siya nanggaling. Nakakainis talaga. mata ko? malabo? you wish! balak ko pa sanag mag homily dun kaya lang... nakita ko siyang kinuha yung backpack niya na parang wala namang kalaman-laman sabay dire-diretso papalabas. Aba? bastos! "Mind your own business sa susunod!" Papalabas na rin ako dun.. nakakainis talaga, bigla ba naman akong linayasan? Ni hi ni ho eh wala. Nang nasa labas na ko, may napansin akong bulletin board ; more of para sa mga students lang ata yun. di naman kasi siya mukhang formal, maraming stickers, glitters.. at kung ano-ano pa.. nagmukhang napakalaking slambook na ata eh ! oooh-teka? BUBBLE GUM? Yuck. Sa maraming naka attach dun, naka catch ng attention ko ay yung pink na paper. computerized at malinis tingnan kumpara sa iba. June 16, Attention all high school students! Cheer leading troupe is expecting you on June 18-19 for audition! just grab your boots and your own music. Break a leg. Meggie♥ "May balak ka bang sumama diyan?" sabi ng isang babae sa akin. "...kung mayroon nga eh, mag ingat-ngat ka na.. maganda ka pa naman" Grabe, nakakatakot naman siya. "...uhmm, pwede ko ba matanong kung bakit ako dapat mag-ingat?" tanong ko na lang sakanya, ayaw ko ng mag react sa maganda part. Kairita lang. "Eh paano ba naman, club yan ng grupo ni Meg" sabay ngiti ng alangan. teka.. sinong meg? ah.. sabay napatingin ako sa may papel. siya ata yung "Meggie♥" na nagsulat nun. parang nabasa niya ata yung gusto kong itanong sa kaniya. "Si meg, ang pinaka sikat na babae dito sa school. o yeah, she's beautiful but her attitude stinks!" sabay arte na parang nandidiri. Nginitian ko siya. "Hi, I'm gel" sabay offer ng kamay ko. natandaan ko tuloy si.. Nanlaki yung mata niya. parang nakakita ng multo? grabe, ganun ba talaga ka weird name ko kahit nickname na nga lang? "Oh gosh! You're that Angelo Damiele Anne Gonzales?!" Labels: ThePromise 5:54 AM
|
Let me here it. Stories Featured Story: "The Promise" Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 |