The Author.

I was born to tell stories.
My name is Kath, an average teenage girl who loves writing random farts that poops out from her brain. I do speak english, tagalog and bicol. If you want to know me better.. then you can +follow me here.or ask questions here

Enjoy the stories!

it's all about you and me together.. back then.
Thursday, December 9, 2010

Lunes ng umaga , First day of school. nakakatamad man eh kailangan ko na talagang pumasok. No choice eh. Bago lahat sa paningin ko, para akong bata na amazed na amazed sa lahat ng bagay na nakikita ko. para akong nasa amusement park! Grabe, kumpara sa dati kong school eh mas malinis pa yata ang hallway nila sa office ng principal namin.

"Uhmm. excuse me maam, pwede po bang magtanong kung asan yung Room 422?" kakapalan ko na lang mukha ko, dahil kung hindi eh baka maguwian na lang ay di ko pa makita yung "bago" kong room. Medyo nasa age 30-35 ata tong babae na napagtanungan ko. eleganteng tingnan sa suot niyang itim na slacks at coat. Mas aakalain mo siyang attorney kesa sa faculty dito. Hmm.. baka nga ganito talagang uniform nila..

"You better ask her." wika niya saakin. Wow. english rin ba ang language nila dito? kung ganoon eh.. nose bleed palang aabutin ko dito! grabeng karma naman ata to lord.

Nagulat na lang ako nang marinig ko yung tapak ng sapatos niya. ang lakas eh.

"Thank you po!" pahabol ko doon sa babae.

Parang wala lang siyang narinig. dire-diretso sa pag-alis.

"Snob?" napailing na lang ako. sino nga ba naman kasi ang magbibigay time sa isang babaeng mukhang tanga, na sariling room na lang eh di pa mahanap.. pero sa di ko nga alam ang gagawin.. nagtanong na rin lang ako dun sa babaeng itinuro saakin.
Mabuti naman at hindi "you better ask her" ang reply sa akin. may marunong din pala ditong magsalita ng tagalog! Thanks goodness.Medyo magulo nga lang yung direksyon na binigay niya pero kahit paano eh na gets ko naman..

Mga ilang minutes lang ang makalipas, nagsimula nang nagsidatingan ang mga classmates ko. ang iingay nila ah. nakakaingit! ganyan din sana kami ng mga barkada ko ngayon.

"Hi, I'm Marco" sabay lahad ng kamay niya sa may malapit sa mukha ko. ang bilis. pero sure ko na nagpapakilala siya sa akin.

"Ah.. uhmm.. Gel" sabay naki-shake hand na din.

"Gel.. as in?" sabay lagay ng kamay niya sa ulo. waring linalagyan ng gel yung buhok niya Wow. ang itim ng buhok at ang ganda ng buhok niya ah. bagay sa kanya?

"Nope. Angelo Damiele Anne Gonzales.. Gel for short." sabi ko.

"Ah, pinapatawa lang kita!" sabay ngiti. Hmm. pati ang ngipin. Not bad. "... ohhh. wait. angel-O?" inemphasize niya talaga yung "O". Sabi na nga ba. di makakaligtas pangalan ko dito. Sige na, ako na yung may pangalang pang lalaki. lintik naman kasing O yan eh!

"Yeah, angel-O" ginaya ko naman expression niya habang sinasabi to tas nagpahabol pa ko ng irap.

"Really? not kidding?" "Seriously"

"Ohhh.. amazing.. nice to meet you angelo-O uh.. gel pala" sabay smile. ooooh! heto nanaman mga ngipin niya oh.

Syempre ginantihan ko na rin ng smile. kahit medo sarcastic nga lang ng konti.

"Okay class, i will be your adviser for this school year whether you like it or not." bungad ng isang babae na naglalaro sa singkuwenta ang edad.

"I am.. Mrs. Michilla Lavaro" sabay sulat sa board ng pangalan niya. as usual, cursive.

"Mr Rosales.. would you mind to sit down?" sabay turo doon sa Marco daw. Ah. so Rosales pala surname niya. pang mayaman.

Tumingin siya sa akin. sabay smile. "Sige, upo na ko.. mukhang nag memeno-pause na ata yang si maam kaya ganyan kasungit" Sabay tawa.

"May sinasabi ka ba jan Mr. Rosales?" "Nothing maam!" 


Natawa na lang ako.

***

Ilang oras din ang nakalipas.. ang dami daming sinabi nitong adviser namin! di maubos-ubusan ng ideya at sasabihin! parang wala nang bukas. 

"Since you're in 3rd year high school.. i think alam niyo na naman kung anong assigned sport para sainyo di ba?"  

"YES MAAM!" okay, halatang bagot na din mga classmates ko dun.

"Well, sa mga hindi pa nakakaalam eh.. -uhm, by the way, i think we have our new student here right?" sabay turo ng kanang kamay niya saakin.

"...would you mind to introduce yourself to us Ms. --" sabay tingin sa class record. "..Gonzales?" Sabi ko na nga ba! di ako makakalusot sa mga bagay bagay na to!

"My name is Angelo Damiele Anne Gonzales.. uhhmm--" "Wait, angel-O?" sabat naman nung isang lalaking nakakakunot pa ang kilay. galit?

"Yeah, her name is angel-O" inulit niya nananaman yung expression niya kanina. sabi ni marco..

"Okay, so i think. Ms. Gonzales, you're done right?" Huh? Yun agad? hmmm ayos na din.  mabuti na kasi wala na yung  favorites, hobbies, who is your crush na kaekekan..

"Yes maam" haaay. nakahinga na rin ako ng maluwag! salamat. 

"So... as i have said earlier.. ang sports niyo for this school year is Swimming."

Wait. what? swimming? "SWIMMING?!"

Labels:

8:19 AM

Let me here it.

Hate messages are aloud but ignored.

Stories

Featured Story: "The Promise" Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

« Previous Entires   Newer Entries »

Layout by 16thday
Resources One Two Three