|
The Author. |
|
Thursday, December 9, 2010
"The Promise" ; Chapter 1 Nakaka bad trip talaga! Akala ko pa naman makakapagpahinga ako ngayong sabado! Buysit naman kasi yang si manong kaloy oh. wrong tyming palagi. “Oh, gel.. bilis-bilisan mo na nga yang pag-iimpake mo at baka maiwan ka na namin” Si mama. Huh, eh tingnan natin kung sinong maiiwan sa atin dito. sa kapal ba naman ng olay diyan sa mukha mo eh kung matanggal pa yan. haha! “Oho, maliligo na nga” ang tipid ko. Dahil nga sa tinatamad talaga akong pumunta sa banyo, nag stay muna ako sa tabi ng kama ko. “Haaay, ma-mi miss kita alam mo ba yun? pati ikaw Mommy bear at Popsie bear, Baby Orlie, Maggie at James…” panay haplos ko sa mga ito. Grabe, ikaw ba naman na ilang taon mong nakasama sa buhay eh iiwan mo na lang basta basta.. Nakaka sad naman. Kahit bears lang sila, part na sila ng buhay ko no. *** Pagod na pagod na talaga ako sa kalilipat ng mga gamit.. paakyat pataas paakyat pataas. Lang ya naman kasi tong si Manong kaloy! pagkatapos kaming pagmadaliin eh iiwan lang naman pala kami dito. ang bibigat kaya nito! “Tama ng arte yan gel, tumungan mo na lang ako dito” “Eh, paano ba naman kasi mama, ang daya nitong si kuya! ang sarap ng buhay sa party nila kuya migs.. mabuti pa siya pinapunta mo.. habang ako, nagbubuhat ng mga bagay na halos X100 pang mas mabigat saakin” Mahaba kong pagrereklamo. ..... di siya sumagot. Wow. grabe. Nice talking naman. "Mama naman! wala ka bang balak matulog? may bukas pa naman di ba?! please ma? -- teka? SALON?!" Tama ba yung narinig ko? Salon daw? "Syempre anak, dapat first impression pa lang sa'yo ng mga bago mong classmate eh maganda na. dapat may dating na agad! di ba?" sabay epek nang kamay niya. naalala ko tuloy si spongebob dun sa "IMAGINATION" "No thanks ma." Ang ayaw ko sa lahat eh kung ano anong che che bureche ang pinaglalalagay sa buhok ko. okay na saakin tong layered. Siguro nga, diyan kami nag kakaiba ni mama.. si mama kasi sossy at sabihin na nating fashionista. kaya minsan eh napagkakamalan lang kaming makapatid. "Ewan ko ba sa'yong bata ka! Ikaw na nga tong pinapaganda eh ayaw pa.." sabay talikod na parang bata. ang taray. Ayaw ko man kasing lumipat sa dati naming bahay at school, eh wala na kong magagawa. Halos buong summer ko ata yung iniyakan simula ng marinig ko sila ni tita faye na naguusap paungkol dito. Umiyak talaga ko ng sobra. halos wala atang araw nun na di ko kinulit si mama na huwag na kong lumipat.. pero wa epek talaga eh.. noon ko nga lang nakitang mag seryoso sa mga bagay-bagay si mama. 'Hayyy... Bahala na" pagod na kong umiyak. Labels: ThePromise 7:13 AM
|
Let me here it. Stories Featured Story: "The Promise" Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 |