|
The Author. |
|
Monday, December 20, 2010
"The Promise" ; Chapter 8 Di ko alam kung makaka pag concentrate pa ba ko sa lesson mamaya, paano ba naman kasi halos di na ko makatulog sa pag tetelebabad ni mama, ang ingay ingay! As usual, magulo nanaman sa may gate ng "bago" kong school naninibago pa din ako. Sinungaling talaga yung si mama, sabi niya madali lang daw makapag adjust pag nag eenjoy pero di ko naman siya masisisi.. Sino ba naman kasing nagsabing nag eenjoy ako? "Sino ka ba! Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas ko.. Di ko alam kung sinong kumag ang humila sa akin at ngayon, nagtatago kami sa may likod ng gate. Buysit, mukhang madudumihan pa ata tong uniform ko eh. Dahil sa di niya parin nga ako binibitawan. Kinagat ko na talaga siya sa braso.. "AWWW!" gusto ko sanang mag sorry, but he leaved me no choice. Binitawan niya na ako at pinaikot niya ako paharap sa akin. "Drei?" Siya nanaman? "Wag kang maingay! " magkasulubong nanaman mga kilay niya. Aba galit? "Teka nga! Wag mo kong mapagbabawalang wag mag ingay dito .. Ikaw ba naman hablutin ng kung sinong maligno galing sa likod mo di ka kaya mag iingay?" Nakataas ng nguso ko sakanya at dinuro ko pa. Minsan talaga, ang manners depende sa taong kaharap eh. Hinila niya na ko palabas sa posisyon namin, Jusko. Kamutik na akong mawalan ng hininga! Pagbabayaran niya pagnag ka hika ako! "Ikaw! Nakakainis ka na ah! kahapon lang, ang bait bait mo ngayon naman kinagat mo ko! Grabe kayong mga babae!" naka harap na siya sa akin.. Mukhang galit nga. "Okay sorry.." tinaas ko yung dalawang kamay ko. "…eh ikaw ba naman kasi hilain sa likod na para kang re rape-in!" tumangos pa lalo yung bibig ko. "At tsaka yan, palagi mo na lang iniinvolve sa usapan ang salitang rape. Pagbabantaan ko na si patrick wag ka lang" "Ang kapal mo din talaga no!" Ugh.makakapatay na kong talaga! "Okay, I was just kidding.." ngumiti na siya.. Ang cute niya rin pala pag ngumiti. Teka, kidding? Ibig sabihin may balak nga talaga siyang rape-in ako?! Nanglaki mata ko sabay tinakpan ko yung part sa may breast ko.. Ngumiti nanaman siya. Waring may gagawin na di kanais nais. "Ho hoy mister! Luamyo ka! Kung ayaw mong ma sampolan ng kung fu ko!"sabay pwesto ko na sisipain ko na siya Lumalapit pa rin siya, ako naman sige lang ang palakad pa atras, natandaan ko tuloy yung patalastas sa tv. Tatawa na sana ko eh. "Awwwww!" hinawakan niya nanaman yung panga niya. Oh shit. Nasuntok ko ba siya? "Oh my God, sorry!" lumapit ako sakanya na nakaluhod. Ganun ba talaga kalakas yung suntok ko? Hmp. Tama lang yan sa mga rapeis-t "Bat mo ginawa yun?!" nakatingin na siya sa akin habang hinahawakan ang part ng mukha niya na nasuntok ko. "Huh.. Tama lang yan sa mga lalaking katulad mo no!" inirapan ko siya, wala akong oras sa mokong na to.. Baka ma late pa ako. Papalampasin ko muna yung ginawa niya. Pero sa oras na ulitin niya yun, Bangkay na siyang aabutan ng mga magulang niya. "Hey look, whatever you're thinking.. You're wrong" "Excuse me, paano akong magkakamali eh kitang kita ng mga mata ko na re rape-in mo ko!" Bumangon na siya sa pagkaka luhod. Medyo mapula pa nga talaga yung sinuntukan ko. "Yang bag mo bukas, isasara ko lang sana". Tiningnan ko ng maksiguro. Bukas nga. Jusko gel, anong gulo nanaman ba tong na pasukan mo. "Ahh, alam mo kasi--" medyo, napkakamot na lang ako ng ulo ng bigla niya kong hinila pa luhod. "Shhhhh." nakatago na kami nun sa may mga bench. Ewan ko ba pero parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko, habang tinititigan ko ang mukha niya na nakatingin naman sa ibang direksyon.. Mukhang nahuli niya ata ako at nagkatinginan na kami. Lechugas naman gel oh! Ano bang iniisip mo! GISSSIIIING! "Teka, asan na ba sila?!" sabi nung isang lalaki na medyo payat may kausap na isa pang lalaki.. Mukhang nerd sa suot niyang malaking salamin at may hawak hawak na DSLR. Tumingin nanaman ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin. Kanina kuryente, ngayon.. Butterflies? "nandun sila oh" sabay turo sa amin, kami nga ata ang hiahanap. Pero.. bakit? at bakit kami? Labels: The Promise 7:05 AM
|
Let me here it. Stories Featured Story: "The Promise" Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 |